25,000 DAYCARE STUDENTS SA CAGAYAN ‘LAKING E-NUTRIBUN’
IPAMAMAHAGI na ng Department of Science and Technology – Food and Nutrition Research Institute ang bago at mas pinasustansiyang Nutribun sa 25,000 daycare students sa 26 bayan ng Lambak sa Cagayan.
Ang ‘Enhanced’ Nutribun ay gawa sa mas pinagbuting nutribun recipe noong dekada 70 kung saan mayroon nang humigit-kumulang 500 kcalories sahog ang 244 micrograms ng bitamina A, 17.8 grams ng protina, 6.08 mg ng iron, iodine, at iba pang masusustansiyang mineral. May bigat din itong 160-165 g na sapat para mabusog ang bawat bata.
Ayon kay DOST Region 2 Director Sancho Mabborang, ang E-Nutribun ay ang tugon ng DOST- FNRI sa panawagan ng Department of Social Welfare and Development na ipagpatuloy ang feeding program sa mga mag-aaral kahit na walang face-to-face classes dulot ng pandemya.
Ang unang bugso nito ay may budget na P7.7 milyon na sasaklaw sa mga mag- aaral ng Aparri, Buguey, Camalaniugan, Lal-lo, Sta. Teresita, Rizal, Sto. Niño, Piat, Enrile, Amulung, Peñablanca, Solana, Tuao, at Tuguegarao – Cagayan, Cabatuan, San Mateo, Ramon, Aurora, at Luna – Isabela; Cabarroguis at Saguday – Quirino; Aritao, Bambang, at Bayombong – Nueva Vizcaya; at Basco at Mahatao – Batanes.
Habang isinasaayos ang e-nutribun sa pilot cities at municipalities ay palalakasin pa ng tatlong opisina ang kanilang kampanya upang sa lalong madaling panaho’y muling mabuhay ang kulturang ‘Laking Nutribun’ sa buong Filipinas.
“We will also step up our dissemination efforts to promote the enhanced nutribun to the local government units,” wika ni National Nutrition Council Regional Coordinator Gisela Lonzaga, isa sa mga katuwang ng DOST-FNRI sa mga programang pangkalusugan.