Region

2,000 ISKUL SA CALABARZON NAGSIMULA NA NG F2F CLASSES

/ 30 April 2022

MAHIGIT 2,000 paaralan sa Calabarzon region ang pinayagan nang magsagawa ng limited face-to-face classes.

Ayon sa Department of Education Region 4-A, ang nasabing mga paaralan ay nakapasa sa mga pamantayang itinakda sa ilalim ng memorandum order na inisyu ng DepEd at ng Department of Health para sa ligtas na pagbubukas ng klase.

Ilan sa mga paaralang nagbukas na ng limited in-person classes ay mula sa mga siyudad ng Antipolo, Bacoor, Batangas, Biñan, Cabuyao, Calamba, Dasmariñas, Lipa, Lucena, at Sta. Rosa.

Pinayagan ding magsagawa ng face-to-face classes ang ilang lugar sa rehiyon gaya ng General Trias City at Imus City sa Cavite; San Pablo City sa Laguna; Tanuan City sa Batangas; at Tayabas sa lalawigan ng Quezon.

Mas marami pang paaralan sa rehiyon ang inaasahang magbubukas ng limited in-person classes sa mga susunod na buwan.

Unti-unti nang binubuksan ng pamahalaan ang ilang paaralan sa bansa bilang bahagi ng “progressive expansion” ng face-to-face classes matapos ang matagumpay na pilot implementation ng limited on-site learning noong nakaraang taon.