2 PMA CADETS GUILTY SA DORMITORIO CASE
IBINABA na ng Municipal Trial Court Branch 1 ng Baguio City ang desisyon sa hazing case ng dalawang kadete ng Philippine Military Academy na ikinamatay ni Cadet 4th Class Darwin Dormitorio noong 2019.
Ayon sa desisyon, guilty ang dalawang kadete sa kaso at pinatawan ng 40 araw na pagkakulong habang ang tatlong doktor ay pinawalang-sala sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.
Ang desisyon ay ibinaba ni Honorable Roberto Mabalot, presiding judge ng Baguio City Municipal Trial Court in Cities.
Bukod sa pagkakakulong, pinagbabayad din ang dalawa ng P100,000 na danyos at P50,000 bilang attorney’s fee.
Nahaharap din ang dalawa sa hazing charges, habang ang mga doktor ay mayroon pang nakabimbing administrative cases.
Noong Septermber 20, 2019, pinalo umano ng kanyang upperclassmen si Dormitorio, 20-anyos, bilang bahagi ng hazing.
Lumabas din sa imbestigasyon na gumamit ng improvised stun gun ang mga hazer para kurytentehin si Dormitorio.