2 KLASRUM, DAYCARE CENTER ITINAYO NG MGA KASAPI NG 2021 BALIKATAN EXERCISES
INAASAHANG matatapos na ngayong araw ang itinatayong dalawang silid-aralan at isang daycare center sa Plaridel, Quezon.
Ang konstruksiyon ay bahagi ng nagpapatuloy na Balikatan Exercises o joint military training ng mga sundalong Pinoy at Amerikano sa bansa
Kinumpirma naman ni Armed Forces of the Philippines Spokesperson Major General Edgard Arevalo na bahagi ng Humanitarian and Civic Assistance ng Balikatan Exercises 2021 ang itinatayong 2 classrooms at isang daycare center sa nasabing lalawigan.
Sinabi pa ng military general na ang dalawang classrooms ay partikular na itinatayo sa Barangay Ilosong Elementary School na sakop ng naturang lugar, habang ang daycare center ay itinatayo naman sa Barangay Duhat sa Plaridel.
Bukod dito, batay sa statement ni Arevalo, mayroon pang itinatayong classroom at health station sa Angeles Elementary School sa Atimonan, Quezon.
Dagdag pa ni Arevalo, hindi lang pagsasabay sa pakikipaglaban ang ginagawa ng mga kasapi ng Balikatan Exercises kundi puso rin nito ang Humanitarian and Civic Assistance.