2 DALAGITANG PINAG-ARAL NG NPA PARA MAGING WARRIORS SUMUKO
UMAASA ang dalawang dalagitang miyembro ng Indigenous Peoples na makabalik sa regular na eskuwela makaraang bumaba sa kabundukan at sumuko sa IP tribal leaders para magbagong buhay sa Barangay Sabud, Loreto, Agusandel Sur.
Sina alyas Tala, 16, at Angie, 17, ay itinurnover ng lider ng Aeta Manobo kay Lt. Col. Ronaldo Sarmiento ng 60th Infantry Battalion Philippine Army para sa stress debriefing.
Tiniyak ng militar na magiging maayos ang lagay ng dalawa sa Balik-Loob Assistance Center kung saan una silang kinausap ng tribal leader na si Datu Jay-arBasilisco at ni Loreto municipal tribal chieftain Datu Arsinio Tawide.
Nabatid na nag-aral hanggang Grade 5 si Tala sa Salugpungan Tatano Igkanugon Community Learning Center na kilalang pinatatakbo ng Communist Party of the Philippines-National Democratic Front-NewPeople’s Army.
Habang si Angie ay sinanay rin bilang child warrior.
Sa murang edad ay kapwa bihasa ang dalawa sa paghawak ng baril at dahil sa pagod ng tasking ay sumuko at nagpahiwatig na nais nilang mag-aral ulit.