18 PUBLIC SCHOOLS SA CORDILLERA HANDA NA SA F2F CLASSES
PINAYAGAN nang magsagawa ng limited face-to-face classes ang 18 pampublikong paaralan sa Cordillera simula sa Lunes, Nobyembre 29.
Ayon kay Department of Education-Cordillera Administrative Region director Estela Cariño, binigyan na ng ‘go signal‘ para sa in-person classes ang Dalit National High School sa Pilar at Mabungtot Elementary School sa Langiden, Abra; Japa Elementary School at Naguey Elementary School sa Atok, Benguet; at Asipulo National High School at Haliap Elementary School sa Ifugao.
Kasama ring magbabalik sa face-to-face classes ang Liyang Elementary School sa Tanudan; Bonong Elementary School sa Balbalan; San Pablo Integrated School; at Toppan Integrated School at Guilayon Elementary School sa Tabuk, Kalinga.
Sa Mountain Province, magsasagawa na rin ng in-person classes ang Maket-an Elementary School; Dacudac Elementary School; Cagubatan Elementary School at Lubon Elementary School sa bayan ng Tadian; Mamon Proper Elementary School sa Bauko; at Gonogon Elementary School at Dalican Elementary School sa Bontoc.
Sinabi ni Cariño na nakasunod ang naturang mga eskuwelahan sa health at safety protocols, kabilang ang fully vaccinated na teaching at non-teaching personnel, pagpayag ng mga magulang ng mga estudyante sa in-person classes at physical arrangement ng mga eskuwelahan
Dagdag pa niya, ang nasabing mga eskuwelahan ay nasa mga lugar na may mababang kaso ng Covid19.