Region

17 PDLs NAGTAPOS SA HS, ELEMENTARYA

/ 15 July 2023

HABANG may buhay, may pag-asa.

Ito ang pananaw ng 17 preso o persons deprived of liberty kaya kahit nakakulong ay pinilit na makapagtapos sa elementarya at high school sa Quezon District Jail sa Quezon province.

Ang 17 PDLs ay kasama sa mga nagtapos nitong Huwebes kung saan 13 sa kanila ay nakatapos ng high school habang apat ay ng elementarya sa ilalim ng alternative learning system o ALS ng Department of Education.

Dumalo sa pagtatapos ang mga kinatawan ng DepEd at ang pamilya ng PDLs.

Sinabi ni Jail Supt. Jack Lord Cariño, district jail warden, ang programa sa edukasyon na ipinagkaloob sa PDLs ay bahagi ng makataong pangangalaga at pagpapaunlad sa mga kliyente ng Bureau of Jail Management and Penology para sa magandang kinabukasan.

Bukod sa certificate of completion para sa elementary education, mayroon ding tumanggap ng achiever award.