166 YOUTH SCHOLARS NG MAGUINDANAO NAGTAPOS NG TECH VOC COURSES
NAGKAISA ang Bangsamoro Ministry of Basic, Higher and Technical Education-Technical Education and Skills Development at ang Islamic Relief Worldwide-Philippines upang pagtapusin ng technical-vocation courses ang 166 na kabataang Musilim noong Nobyembre 18.
Ang mga kabataan ay nakatanggap ng National Certificate II sa Land Preparation at Plant Crop Propagation, Carpentry, Sewing, Bread and Pastry, Organic Agriculture, at Driving, matapos ang tatlong buwang libre at komprehensibong pag-aaral na handog ng MBTHE-TESD. Sila’y mga tubong Bangsamoro ng Datu Saudi Ampatuan, Datu Hoffer Ampatuan, at Datu Piang, Maguindanao.
Ayon kay MBTHE-TESD Director Ruby Andong, ang pagpapaunlad ng teknikal na kasanayan at kalipikasyon ng mga kabataan ay lubhang mahalaga para sila’y mabilis na makapaghanap ng trabaho o makapagsimula ng negosyo. Sa ganitong paraan ay magiging produktibo silang bahagi ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
“We were given values transformation training, entrepreneurship training, and skills training. We can utilize these mechanisms as our means to look for a job or start-up businesses. This initiative is also inclined to support the moral governance being instilled by the Bangsamoro Government,” sabi ni Andong.
Target nilang makapagpatapos ng 8,000 pang kabataan sa mga susunod na buwan.
Pangako ni IRW Program Manager Christopher Estallo, sila’y hindi mapapagod sa pagsuporta ng mga gawain ng BARMM para sa ikauunlad ng bayan. Hanggang sa makapagtapos ang libo- libong mag-aaral ay makasisigurong tuloy ang pag-agapay ng IRW.
“Isang-libong kabataan ang nakatakdang tutulungan sa probinsya ng Maguindanao. Magsisimula tayo mula sa 166 na kabataan para mapatunayan natin ang kagalingan at katapatan ng IRW, Local Government Units, at ng mga iskolar,” sabi niya.
“What makes TVET scholars (the graduates) different from others is the compassion, sincerity, excellence and stewardship to obtain their courses,” dagdag ni Estallo.