Region

157 SUNDALO ISINALANG SA TROOPS INFO, EDUCATION SA MENTAL HEALTH

/ 22 February 2023

ISINAILALIM ang 157 enlisted personnel mula sa iba’t ibang line units at batteries ng Philippine Army Artillery Regiment sa Troops Information and Education on Mental Health Awareness kamakailan sa Headquarters AAR, Fort Magsaysay, Palayan City, Nueva Ecija.

Ang TI&E ay inorganisa ng Office of the Regiment Sergeant Major na naglalayong tutukan at alagaan ang mental health at physical well-being ng mga sundalo.

Layunin ng regiment na iangat ang social awareness ng mental health issues sa pamamagitan ng psychosocial education upang pigilin ang mga stigma ng mental health at maiwasan ang pagkakaroon ng masamang mental health conditions.

Bago ang TI&E ay isang sundalo ng 4th Infantry Division ang nag-amok sa loob ng kanilang barracks sa Camp Evangelista, Cagayan de Oro na ikinamatay ng apat na kabaro habang nasawi rin ang nagwalang sundalo.