Region

15-ANYOS NA ESTUDYANTE NA BINARIL NG EX-BF PUMANAW NA

14 August 2025

MAKARAAN ang halos isang linggo, pumanaw na rin ang 15-anyos na estudyante na  binaril ng kanyang dating boyfriend  sa loob mismo ng eskuwelahan  sa Santa Rosa, Nueva Ecija.

Ang biktima na estudyante ng  Santa Rosa Integrated School ay binaril sa ulo ng 18-anyos na suspek na nagbaril rin sa sarili matapos ang insidente noong August 7, alas-10 ng umaga,

Nauna nang nasawi ang 18-anyos na suspect habang ginagamot ang biktima.

Ayon sa record ng Sta. Rosa Municipal Police, dating magkasama sa nasabing paaralan ang dalawa kung saan nabuo umano ang kanilang relasyon.

Sa hindi  malamang dahilan ay naghiwalay ang mga ito hanggang sa mauwi sa  malagim na insidente.