Region

1 EKTARYANG LUPA KADA AGRI GRADUATE PARA SA ‘DAR-TO-DOOR’ PROGRAM

/ 8 January 2021

MAMAMAHAGI ang Department of Agrarian Reform ng 230,000 ektaryang lupain sa mga nakapagtapos ng Agriculture.

Ayon kay Agrarian Reform Secretary John Castriciones, ito ay para mahikayat ang mga kabataan na kumuha ng Agriculture degrees.

“To encourage our youth, to cure the defect, we need to give lands to our agriculture graduates to revive their interest in farming by giving them their own farm laboratories. They could use these to study new technologies to further improve productivity in rural areas,” sabi ng kalihim.

Binigyang-diin niya na mas marami ang nais mangibang-bansa kaysa manatili sa Filipinas para sa mga gawaing pang-agrikultura.

Samantala, sinabi ni DAR Director Cleon Lester Chavez na mabibigyan ng tig-iisang ektaryang lupa ang mga aplikante sa lalawigan ng Cagayan.

Ito ay sa ilalim ng proyektong “DAR-to-Door” na inilunsad ng kagawaran upang manatili ang Agriculture graduates sa bansa.