YOUTH REP NAGSAMPA NG KASO SA OMBUDSMAN VS RED-TAGGING
NAGHAIN na ng reklamo si Kabataan Party-list Rep. Sarah Jane Elago laban sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict kaugnay sa isyu ng red-tagging.
Isinampa ni Elago ang kanyang reklamo sa Office of the Ombudsman na nakasentro sa pagpapakalat ng iba’t ibang alegasyon laban sa kanilang grupo.
Pangunahing respondents sa reklamo sina Southern Luzon Command chief, Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. ng NTF-ELCAC, Communications Undersecretary Lorraine Badoy, National Intelligence Coordinating Agency Director-General Alex Paul Monteagudo, Interior and Local Government Secretary Eduardo Año at National Security Adviser Hermogenes Esperon.
“The NTF-ELCAC has been using people’s money to maliciously attack progressive individuals and groups, including the youth,” pahayag ni Elago.
Idinagdag ni Elago na bagama’t ilan sa mga pag-atake ay ginawa sa pamamagitan ng personal account ng mga opisyal, suportado na rin ang mga ito ng state institutions.
“By red-tagging us, the government through the NTF-ELCAC not only discredits our legislative work and diverts attention away from pressing issues. It also puts at risk our lives, and the lives of those they work with,” diin ni Elago.
Nanindigan pa ang mambabatas na sa kabila ng mga pag-atake sa kanila ay ipagpapatuloy nila ang pagsusulong ng mga panukala para sa kapakanan ng mga kabataan.
“Kabataan partylist pledges to not stand idly by as state agents continue to attack our name and our members’ safety. The filing of this case is one way for the youth to strike back against these attacks,” dagdag ni Elago.