Nation

YOUTH HUB IPINATATAYO SA BAWAT MUNISIPALIDAD

/ 4 December 2020

ISINUSULONG ni Bukidnon 3rd District Rep. Manuel Antonio Zubiri ang pagkakaroon ng per-manenteng Sangguniang Kabataan Center sa bawat munisipalidad sa bansa na magsisilbing Youth Hub.

Sa kanyang House BIll 8033 o ang proposed Youth Hub Act of 2020, iginiit ni Zubiri na dapat magkaroon ng center ang mga kabataan sa bawat munisipalidad para sa kanilang mga ak-tibidad.

Ipinaalala ni Zubiri na sa ilalim ng Konstitusyon ay kinikilala ang mahalagang papel ng kabataan sa nation building at mandato ng estado na protektahan ang kanilang physical, moral, spiritual, intellectual at social well-being.

Ipinaliwanag pa ng kongresista na bagama’t itinatag na ang Sangguniang Kabataan, nasa de-sisyon naman ng lokal na pamahalaan ang pagbibigay sa kanila ng tanggapan.

“It remains that the SK is left with no practical venue to call their own which will encourage the youth and the SK itself to pursue their youth programs,” pahayag ni Zubiri sa kanyang explanato-ry note.

Batay sa panukala, ang youth hubs ay magsisilbing converging point ng lahat ng aktibidad ng kabataan para matiyak din ang pagiging responsableng mamamayan ng mga ito.

Ang pondo para sa pagtatayo ng Youth Hubs ay magmumula sa Department of Public Works and Highways na ipapasok sa General Appropriations Act.

Nakasaad pa sa panukala na ipaprayoridad sa pagtatayo ng Youth Hubs ang mga munisipalidad na maraming kabataan.