Nation

YOUTH AGRIPRENEURSHIP PALAKASIN — LAWMAKER

/ 30 May 2021

NAIS ni Senadora Risa Hontiveros na palakasin ng gobyerno ang paglahok ng kabataan sa agrikultura at entrepreneurship.

Sa Senate Bill 2231 o ang proposed Young Agripreneurs Act of 2021, sinabi ni Hontiveros na sa Filipinas, hindi na interesado ang younger generation sa pagsasaka na nagsisilbing banta sa food security.

“As a result, traditional farming methods are gradually fading as a practice in rural communities,” pahayag ni Hontiveros sa kanyang explanatory note.

Giit ni Hontiveros, mahihikayat ang kabataan na pumasok sa pag-aagrikultura kung mas magiging malaki ang kita rito.

Sa panukala, bubuo ang gobyerno ng Youth Agricultural Hubs na ang tungkulin ay magbigay ng trainings sa kabataan para sa agrikultura, financial literacy, entrepreneurship at iba pang related courses.

Ang naturang hubs din ang magsisilbing venue para sa research farming at makikipagtulungan sa mga ahensiya ng pamahalaan at mga lokal na pamahalaan para sa mga nararapat na programa.

Nakasaad din sa panukala ang regular na pagsasagawa ng youth agripreneurship trade fairs upang ipamalas ng kabataan ang kani-kanilang agricultural products.