Nation

YOU SPEND FILIPINO TAXPAYERS MONEY TO EDUCATE FOREIGN STUDENTS? SUMBAT NI SEN. DRILON KAY DE VERA

/ 22 September 2020

NASORPRESA ang ilang senador nang kumpirmahin ni Commission on Higher Education Chairman Popoy de Vera na may foreign medical students sa state universities and colleges.

Sa pagdinig ng Senado sa panukalang 2021 budget ng CHED, sinabi ni De Vera na kung siya ang masusunod ay hindi niya papayagan ang mga dayuhang estudyante sa mga SUC.

“Para po sa akin, kapag SUC ka sa medical program dapat ang estudyante mo, mga Filipino lang pero sa admission ng mga estudyante ay board of regents ang nasusunod,” pahayag ni De Vera nang tanungin siya ni Senadora Imee Marcos sa impormasyon na maramig medical students sa SUCs ay mga dayuhan.

“I would like to pick up on something that surprises me. Foreign medical students are allowed to enroll in SUC because of the decision of board of regents?” nagtataka namang tanong ni Senate Minority Leader Franklin Drilon.

“You spend taxpayers money to educate foreign medical students and I don’t know if it is warranted under the law,” dagdag pa ni Drilon.

Inirekomenda rin ni Drilon sa Senate Committee on Finance na maglagay ng special provision sa proposed budget na hindi dapat payagan ang foreign students sa mga SUC, na sinegundahan naman ni Senadora Cynthia Villar sa paggiit na limitado lamang ang kapasidad ng mga SUC.

Sinabi naman ni Senate Finance Sub Committee Chairperson Pia Cayetano na pag-aaralan din nila sa paggawa ng special provision ang magiging implikasyon nito sa international linkages ng mga unibersidad, lalo na sa rankings.

Ito ay makaraang aminin ni De Vera na saklaw ng mga requirement para sa international ranking ng mga unibersidad ang accommodation ng mga dayuhang estudyante.