WORLD WAR II HISTORY IPINATUTURO SA HEIs
UPANG ipaalam sa mga kabataan ang kabayanihan ng mga beterano, isinusulong ni Pasig City Rep. Roman Romulo ang panukala na magmamandato ng pagtuturo sa higher education institutions ng mga kaalaman hinggil sa World War II sa Filipinas.
Sa kanyang House BIll 5791 o ang proposed World War II in the Philippines Education Act, ipinaalala ni Romulo na naipakita ng mga Filipino ang pagkakaisa para maipagtanggol ang Filipinas sa naturang digmaan.
“World War II in the Philippines is an experience in our national past which was felt by every Filipino of every age in every inhabited region of the archipelago,” pahayag ni Romulo sa kanyang explanatory note.
Naniniwala ang kongresista na sa pamamagitan ng pagtuturo nito sa kabataan ay mabubuhay sa kanila ang pagiging makabayan at ang respeto sa rule of law.
Batay sa panukala, mandato ng Commission on Higher Education sa pakikipag-ugnayan sa Department of National Defense ang pagbuo ng syllabus para sa General Education curriculum sa higher education institutions.
“In support of the education on the history of World War II, all higher education institutions are encouraged to keep in their libraries adequate books, resources and reference materials on World War II in the Philippines,” nakasaad pa sa panukala.
Ang CHED din ang inaatasang bumalangkas ng implementing rules and regulations ng panukala.