Nation

WIFI CONNECTION “NOT YET THAT GOOD,” SEC. HONASAN CORRECTS HIMSELF

AMINADO si Department of Information and Communications Technology Secretary Gregorio Honasan na hindi sasapat ang inilaang pondo ng Department of Budget and Management sa susunod na taon para sa free wifi access sa state universities and colleges.

/ 7 October 2020

AMINADO si Department of Information and Communications Technology Secretary Gregorio Honasan na hindi sasapat ang inilaang pondo ng Department of Budget and Management sa susunod na taon para sa free wifi access sa state universities and colleges.

Sa budget hearing sa Senado, hiniling ni Honasan na bigyan sila ng dagdag na pondo para sa implementasyon ng mga programa sa pagpapalakas ng internet connectivity.

“With the Covid19 issue, we appreciate and understand the contracting fiscal space but we would like to appeal for any incremental increase in our budget so that we can pursue our main programs effectively,” pahayag ni Honasan.

Sinabi ni Honasan na ang ideal na budget para sa National Broadband Program ay P18 bilyon habang ang free Wifi project sa SUCs sy nangangailangan ng P6 bilyon.

Gayunman, ang inaprubahan lamang ng DBM na pondo ay P902 million sa national broadband program at P2.7 billion sa free wifi access.

Sa hiling ng DICT, nais nila ng dagdag na P17 billion para sa broadband at P3.6 billion sa free wifi project.

“In total, in broad strokes, we requested for P46 billion. We are earmarked to be given about P4 billion. Historically, last budget, humingi kami ng P36 billion, binigyan kami P6 billion,” paliwanag ng kalihim.

Ang broadband program ay ang pagpapalawak ng deployment ng fiber optic cables at wireless technologies para sa overall improvement ng internet connection sa bansa habang target ng free wifi access na sakupin ang lahat ng SUCs para sa mga mabibigyan ng koneksiyon.

Sa hearing, humingi rin ng paumanhin si Honasan sa pahayag na ‘not that bad’ ang internet connection sa bansa.

“I apologize. I should have really said, it is not yet that good, but we are trying to improve it,” pahayag ni Honasan.