Nation

WHOLESALE BANDWITH PROVIDERS KAILANGANG MAMUHUNAN SA MGA PROBINSIYA — SENATORS

/ 25 September 2020

HINIKAYAT nina Senador Win Gatchalian at Senadora Grace Poe ang mga wholesale bandwidth provider  na mamuhunan sa mga probinsya at palakasin ang internet connection upang magamit ng mga estudyante sa distance learning.

Kasunod ito ng impormasyon na umaabot lamang sa 2 megabits per second hanggang 20 Mbps ang  bilis ng internet service sa mga lalawigan na sadyang mabagat lalo na’t ang minimum speed para sa video streaming ay nasa 3 Mbps.

“Sa pagbubukas ng mga eskuwelahan, may 24.5 milyon na kinder hanggang senior high school at 3.4 milyon na nasa tertiary level na nakadepende sa internet connectivity, maitawid lamang ang kanilang mga aralin. At kung sabay- sabay na silang mag-online o kapag inabot na ang peak hours, magkakaroon ng internet congestion at mas babagal pa ang internet connection,” pahayag ni Gatchalian.

“Sa ganitong sitwasyon, ang nakikita nating solusyon ay kumuha ng bultuhang bandwidth ang maliliit na telcos sa service providers para sa mas maayos na internet service dahil makakapag-engganyo ito ng kompetisyon sa industriya at malaki ang posibilidad na bumaba ang presyo sa merkado,” dagdag pa ng senador.

Binigyang-diin naman ni Poe na batay sa pag-aaral ng Asian Development Bank Institute, 46 porsiyento ng Filipino househols ang umamin na hindi nakapag-enroll ang kanilang mga anak dahil sa pandemic.

Pumangalawa ang Filipinas sa Myamar sa ASEAN nations sa dami ng mga batang hindi makasabay sa pag-aaral gamit ang internet connection.

“Telcos need to improve internet services now more than ever. Education is key in lifting people out of poverty. Keeping them deprived of internet services is akin to condemning them to poverty,” pagbibigay-diin ni Poe.

“The pandemic only underscored the heightened need for better internet service for students and people working from home. Connectivity, on its own, is not the great equalizer but it’s crucial,” dagdag pa ng senadora.