Nation

WATER FACILITIES PROBLEMA SA MGA ISKUL —  SOLON

/ 29 November 2021

ISA sa mga problema ng mga eskuwelahan ngayon ang kakulangan sa pasilidad ng tubig, ayon kay ACT Teachers Partylist Rep. France Castro

“Tingin ko problema natin ito kasi sa survey namin, nag-survey kami noong eto lang recently, 30 percent lang sa lahat ng eskuwelahan na na-survey namin nationwide na talagang functional ang kanilang mga water facilities… tska ‘yung nga CR kailangan talaga nila ng retrofitting,” ayon kay Castro.

Aniya,  problema rin ng mga guro kung paano masisiguro ang suplay ng kagamitan para matiyak na masusunod ang health at safety protocols, tulad ng sanitizer, alcohol at face mask.

Nitong Nobyembre 15 ay umarangkada na ang limited face-to-face classes sa mga pampublikong eskwelahan habang Nobyembre 22 naman sa mga pribadong paaralan.

Sinabi pa ni Castro na problema rin sa mga guro ang preparasyon para sa dalawang uri ng klase —online classes at physical classes.

“So ayun, doble-doble ang trabaho ng mga guro natin,” dagdag ng kongresista.