WALL DECOR SA KLASRUM IPINAGBAWAL NG DEPED
IPINAG-UTOS ng Department of Education ang pagtatanggal sa mga dekorasyon sa dingding sa loob ng mga silid-aralan bago ang pagbubukas ng klase sa Agosto 29.
IPINAG-UTOS ng Department of Education ang pagtatanggal sa mga dekorasyon sa dingding sa loob ng mga silid-aralan bago ang pagbubukas ng klase sa Agosto 29.
Nauna nang inilabas ni Education Secretary Sara Duterte-Carpio ang DepEd Order No. 21, Series of 2023 o ang implementing guidelines para sa Brigada Eskwela.
“Schools shall ensure that school grounds, classrooms and all its walls and other school facilities are clean and free from unnecessary artwork, decorations, tarpaulin and posters at all times. Oversized signages with commercial advertisements, words of sponsorships and/or endorsements or announcements of any kind or nature shall be taken down,” ayon sa polisiya.
“Classroom walls shall remain bare and devoid of posters, decorations or other posted materials. Classrooms should not be used to stockpile materials and should be clear of other unused items or items for disposal.”
Sa isang eskwelahan sa Davao del Sur, mismong si Duterte-Carpio ng nagtanggal ng mga poster na nakadikit sa dingding ng mga silid-aralan.
“Tiniyak natin na malinis at maaliwalas ang mga silid-aralan at ang buong paaralan,” pahaya ni Duterte-Carpio.
Nagpasalamat din siya sa lahat ng education stakeholders sa aktibong pakikilahok sa Brigada Eskwela 2023.