Nation

WALANG BADYET SA MGA GURO NA MAGKA-COVID19 – DEPED

SINABI ng Department of Education na walang ispesipikong badyet para sagutin ang pagpapagamot ng mga guro na mahahawaan ng Covid19, pero aalalay pa rin umano ang nasabing kagawaran sa ibang paraan.

/ 11 August 2020

SINABI ng Department of Education na walang ispesipikong badyet para sagutin ang pagpapagamot ng mga guro na mahahawaan ng Covid19, pero aalalay pa rin umano ang nasabing kagawaran sa ibang paraan.

Ayon kay DepEd Undersecretary Annalyn Sevilla, hindi umano maaring gamitin sa pagpapagamot sa mga guro at non-teaching personnel na nahawaan ng naturang sakit sapagkat nakalaan na ito sa ibang bagay, ngunit nilinaw nya na tutulungan pa rin umano ang magiging biktima maliban sa cash assistance.

“Medication and treatment funding for Covid19 are not present or appropriated in the existing budget of DepEd. And I think it is true for all national government agencies,” paliwag ni Sevilla.

“What has been allowed to be charged to DepEd funds are the supplies needed for the compliance with the minimum health standards,” dagdag pa ng opisyal.

Anya, ang tanging mayroon lamang sa polisiya ng kagawaran sa ngayon ay ang referral system sa pagitan DepEd at Department of Health o ng local government units.

“This is the practice we have now and it has worked with DOH and LGUs,” ani Sevilla.

“For those employees who opted to be treated in private hospitals, they also got assistance from DepEd but not from the government funds but from the personal contributions and collective efforts of the DepEd family,” dagdag pa nya.

Kamakailan, hiniling ng Teachers’ Dignity Coalition sa pamunuan ng DepEd na linawin kung gaano kalawak ng Covid19 infection sa ahensya dahil marami na umano sa mga guro at empleyado ng kagawaran na nahahawaan na nang nakamamatay na virus.

Sinabi ni Benjo Basas, national chairperson ng TDC, na nais din malaman ng kanilang grupo kung mayroon ba silang matatanggap na tulong mula sa ahensya para sa mga guro at personnel na nahawaan ng Covid19 at kung ano ang magiging pananagutan ng mga opisyal na mag-uutos sa mga guro para mag-report ng pisikal.

“Some of these reported or even confirmed cased were attributed to the teachers’ physical reporting in their workplace. How can we convince the public that the system is ready for August 24 opening when in fact, many of our teachers fear the possible contagion,” ani Basas.