‘WAG IPILIT ANG PAGBUKAS NG KLASE SA AGOSTO 24 – SOLONS
NANINIWALA ang ilang mambabatas na mas makabubuti umanong iatras ang pagbubukas ng klase sa halip na pilitin ito sa Agosto 24 ngayong taon.
Sinabi ng mga senador na sina Francis Tolentino, Joel Villanueva at Win Gatchalian at ng kongresista mula sa Pasig na si Roman Romulo na mas makabubuting bigyan pa umano ng mahabang panahon ang Department of Education upang paghandaan ang bagong sistemang ipatutupad.
Iginiit ng mga mambababatas na ngayong nalagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas para sa pagbibigay ng kapangyarihan sa Punong Ehekutibo sa pagtatakda ng pagbubukas ng klase, madali nang maiaatras ng Presidente ang class opening.
“From the looks of it, there is certainly a need to adjust the school opening from August 24 to a later date as the Department of Education fell short in the preparation,” pahayag ni Tolentino.
“There is really still no certainty as to when the country will be able to effectively control this contagion and this will certainly put students at risk of contracting the disease,” idinagdag pa ng senador.
Ipinaliwanag naman ni Villanueva na ang desisyon sa pagbubukas ng klase ay dapat na ibatay sa science at facts. “In our case, the incidence has continuously increased. Our hospitals are also nearing full capacity. There are reports that children contribute to the spread of the disease. In our context, we usually live with our Lolos and Lolas. We don’t want to put them at risk any further. This warrants the delay of opening of classes,” pahayag ni Villanueva.
Krusyal naman para kay Gatchalian ang pag-atras ng pagbubukas ng klase sa gitna na rin ng walang katiyakan sa sitwasyon at patuloy na banta ng coronavirus pandemic.
“Last April, nearly a third or 26 out of 81 provinces were free from Covid19. By July 15, only four have remained Covid19-free,” paalala pa ni Gatchalian.
Binigyang-diin pa niya na ang pamamahagi ng self-learning modules ay magkokompromiso rin sa kaligtasan ng mga estudyante, mga guro, magulang at iba pang school personnel.
“Mahalaga ang pagpapatuloy ng edukasyon ngunit sa panahong patuloy ang banta ng pandemya ay nananatiling prayoridad natin ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral, mga guro, mga kawani, at kanilang mga pamilya,” pahayag ni Gatchalian.
Iginiit naman ni Romulo na bagama’t mahalaga ang edukasyon para sa kinabukasan ng mga estudyante, hindi naman dapat isinasantabi ang kaligtasan ng bawat isa.
“Again, and I cannot stress this enough, education is important but the safety and welfare of our teachers and students cannot be compromised,” pahayag ni Romulo.