Nation

VP SARA SA PUBLIKO: LABANAN ANG TERORISMO

/ 13 April 2023

NANAWAGAN si Vice President at Education Secretary Sara Z. Duterte sa publiko na suportahan ang kampanya ng pamahalaan laban sa terorismo.

“I also trust at nananawagan po ako sa inyong lahat that you will join our call in combatting local terrorism. Sinisira po ng teroristang grupo na NPA ang buhay at kinabukasan ng ating mga kabataan,” sabi ni Duterte sa kanyang speech sa Marilag Festival sa Santa Maria, Laguna Miyerkoles ng umaga.

“Ang NPA ay katulad din po ng kriminal at ilegal na droga. Kailangan din po natin silang mailayo ang ating mga anak. Magkaisa po tayo dito. Protecting Filipino children is protecting the Philippines,” dagdag pa ng pangalawang pangulo.

Umapela rin si Duterte sa mga magulang na nandoon na tiyaking pumapasok ng paaralan ang kanilang mga anak.

“Sa pagkakataong ito, sana ay pahintulutan ninyo ako na manawagan sa lahat ng mga magulang na na nandito ngayon — pati na rin sa lahat ng mga sektor at organisasyon sa Santa Maria,” ani Duterte.

“Para po sa kapakanan ng mga kabataan — siguruhin po sana natin na sila ay pumapasok sa paaralan at nag-aaral. Gabayan po natin sila at ipakita natin ang kahalagahan ng edukasyon para sa pagkakaroon ng maayos o magandang buhay,” dagdag pa niya.

Aniya, mahalaga ang edukasyon para mapagtagumpayan ang mga hamon ng buhay at sa bayan.

“Lagi ko pong sinasabi — walang short cut sa tagumpay. Kailangan po ng pagsusumikap ng mga magulang at ng ating kabataan,” ani Duterte.