Nation

VP SARA NAGPASAKLOLO SA IBP

HUMINGI ng tulong si Vice President at Education Secretary Sara Duterte-Carpio sa Integrated Bar of the Philippines sa paglutas sa problema ng mga pampublikong guro sa kanilang mga loan.

/ 23 February 2023

HUMINGI ng tulong si Vice President at Education Secretary Sara Duterte-Carpio sa Integrated Bar of the Philippines sa paglutas sa problema ng mga pampublikong guro sa kanilang mga loan.

“I am looking forward to partnering with the Integrated Bar of the Philippines to help our public school teachers with regard to their problems sa mga utang nila at sa mga kontrata nila,” wika ni Duterte-Carpio kanyang speech sa fellowship night ng IBP.

Nagpasalamat din siya sa Korte Suprema sa paggabay nito habang humingi siya ng payo kung paano matutulungan ang mga guro ng pampublikong paaralan hinggil sa kanilang mga obligasyon sa mga loan.

Sinabi rin ni Duterte-Carpio sa kanyang talumpati na gagamitin niya ang modern technology sa nalalapit na partnership ng IBP at DepEd.

“Indeed, with modern technology the future of our legal practice seems bright and optimistic and this is our vision as well of our partnership with the IBP and the Department of Education to help public school teachers. To use an online platform for easier access to lawyers,” aniya.