Nation

VOUCHER SYSTEM SA PRIVATE SCHOOLS PALAKASIN — SENADOR

/ 4 July 2021

IGINIIT ni Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture Chairman Sherwin Gatchalian na kailangan ng balanseng suporta sa pribado at pampublikong paaralan upang matiyak ang dekalidad na edukasyon sa bansa.

Sinabi ni Gatchalian na maraming private schools ang may magandang resulta sa Programme for International Student Assessment.

Ipinaliwanag ng senador na mahalagang mabigyan ng oportunidad ang mga private school na maging katuwang ng gobyerno sa pag-angat ng kalidad ng edukasyon sa buong bansa.

Para sa senador, magandang palakasin pa ang voucher system ng gobyerno sa mga pribadong paaralan kung saan maaaring mailipat ang mga estudyante mula sa public schools.

“Puwedeng ilipat ang mga estudyante sa pamamagitan ng voucher system pero unahin ang mga estudyante na nangangailangan pero tingnan din ang performance ng private schools,” diin ni Gatchalian.

Kasabay nito, sinabi ni Gatchalian na dapat ding palakasin ang suporta sa mga public school, partikular sa rural areas.

“Gusto ko ring bigyang-diin na ang public school natin ay kailangang tulungan in terms of support. Mabigyan sila ng pangangailangan. Mandato ng gobyerno na patuloy na magbigay ng edukasyon sa lahat ng parte ng bansa,” paliwanag ng mambabatas.

“Nakikita ko rin ang strength ng private school na natututo nang mabuti at ang quality maganda. Sa isang bansa, maganda ang quality,” dagdag pa ng senador.