Nation

VOTER EDUCATION IPINASASAMA SA JUNIOR AT SENIOR HIGH SCHOOL CURRICULA

/ 28 October 2020

ISINUSULONG ni Senador Kiko Pangilinan ang pagsasama ng voter education sa curricula ng mga junior at senior high school kapwa sa pribado at pampublikong paaralan.

Sa Senate Bill 636 o ang proposed Compulsory Voter Education Act, sinabi ni Pangilinan na malaki ang pangangailangan na mapalawak ang partisipasyon ng mamamayan sa political at electoral process sa bansa.

“One of these key reforms is to integrate voter education in the curricula of junior and senior high school students to develop politically mature youth who are conversant with the process and to ultimately prepare them to actively and maturely participate in nation building,” pahayag ni Pangilinan sa kanyang explanatory note.

Sinabi ng senador na pangunahing layunin ng kanyang panukala na mapalawak ang pang-unawa ng kabataan sa politcial at electoral processes at mapagtibay ang pundasyon ng Philippine democracy.

Batay sa panukala, mandato ng Department of Eductaion na bumalangkas ng mga naaangkop na programa para sa mga guro para sa mas maayos na pagtuturo.

Kabilang sa dapat na makasama sa curricula ang pagpapaliwanag sa karapatan ng bawat isa sa pagboto; ang buong sistema ng electoral system,  kasama na ang legislation na may kinalaman sa pre-election, election proper at post-election; mga pag-uugaling dapat taglayin ng botante; at ang political system sa bansa.

Inoobligahan sa batas ang lahat ng paaralang may secondary education na magkaroon ng sapat na textbooks, primers at leaflets sa voter education sa kanilang mga library.