Nation

VIRTUAL PTA MEETINGS PANGUNAHAN NG DEPED BAGO ANG PAGBUBUKAS NG KLASE – LAWMAKER

/ 9 September 2020

IMINUNGKAHI ni Quezon City 5th District Rep. Alfred Vargas ang pagsasagawa ng online meeting ng Parents-Teachers’ Association upang maayos na mailatag ng mga guro sa mga magulang ang mga hakbangin sa pagpapatupad ng blended learning.

Sinabi ni Vargas na marami pa rin sa mga magulang at maging mga estudyante ang nalilito sa bagong sistemang ipatutupad sa pagbubukas ng klase sa Oktubre  5.

Naniniwala ang kongresista na sa pamamagitan ng virtual meetings ay makapag-a-adjust din ang Department of Education para sa bagong school year batay na rin sa assessment ng stakeholders sa larangan ng edukasyon.

“Mas maiintindihan ng DepEd ang mga pagsubok na kinakaharap ng mga guro, magulang at estudyante kung nakakapag-usap sila nang madalas kahit sa pamamagitan lang ng video chat. Unang beses ipatutupad ang blended learning sa buong bansa kaya dapat bukas ang DepEd sa mga suhestiyon para mapabuti ito,” pahayag ni Vargas.

“The online consultations will also help manage the expectations from stakeholders. There have been reports about misunderstandings between parents, teachers and students in private schools on how blended learning works. Complaints abound regarding the curriculum and the use of technology in online classes. These issues should be discussed before October 5 to avoid further setbacks in learning,” dagdag pa ng kongresista.

Ayon sa mambabatas,  maaaring magpatupad ng general guidelines sa virtual meetings ang DepEd habang ang mga Schools Division Office  ng mga local government unit  ay maaaring magdagdag ng iba pang mga detalye ukol dito.

“Hindi lahat ng guro, magulang at estudyante kayang mag-online kaagad, kaya kailangang pagplanuhan ang virtual meetings. Ang mahalaga, makasama sila sa diskusyon sa blended learning at marinig ang kanilang boses,” dagdag pa ni Vargas.