VIRTUAL CLASSROOM SA MGA ‘DI BAKUNADONG ESTUDYANTE ISINUSULONG
IGINIIT ni Senador Francis Tolentino na hindi dapat maging dahilan sa pagkakait ng edukasyon sa mga estudyante ang hindi nila pagpapabakuna kontra Covid19.
Inirekomenda ni Tolentino ang pagkakaroon ng hiwalay na virtual classroom para makakuha rin ng dekalidad na edukasyon ang mga hindi bakunado.
Dapat aniyang magpatupad ng non- discriminatory measures ang bawat paaralan upang mabigyang proteksiyon ang mayorya ng mga estudyante at guro.
Sinabi ng senador na maaaring ipatupad ang polisiya na tanging mga bakunado ang papapasukin sa mga paaralan kung mayroon ding virtual classroom na itatayo.
Ipinaalala ni Tolentino na hanggang ngayon ay nasa ilalim pa ng state of public emergency ang bansa kaya dapat bumuo ng mga alternatibong paraan upang matiyak na patas pa ring maibibigay ang dekalidad na edukasyon sa lahat, bakunado man o hindi.
“What I meant was that unvaxxed status should not be a ground for denial of education nor expulsion. They can be accomodated in a separate virtual classroom to get the same quality education,” pahayag ni Tolentino.