VALENZUELA CITY MAY BAGONG PUBLIC HIGH SCHOOL
HINDI napigil ng pandemya ang konstruksiyon ng bagong public high school sa Barangay Lawang Bato, Valenzuela City.
Pinangunahan ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian ang pagpapasinaya sa Lawang Bato National High School noong Enero 20, 2021 na bahagi ng tatlong araw na selebrasyon ng kanyang kaarawan.
Ang nasabing campus ay may kabuuang tatlong gusali na may apat na palapag at may 44 silid-aralan.
Naniniwala ang alkalde na bagaman may pandemya dulot ng Covid19, hindi kailangang huminto sa pagsusulong sa edukasyon at hindi abambuhay ang distance learning.
Paghahanda, aniya, ito sa nalalapit na face-to-face classes lalo na’t paparating na ang bakuna kontra Covid19 na wawakas sa pandemya.
“These projects are developmental in nature. We believe that despite the ongoing pandemic we have to continue to invest in the city’s education program with the end sight of kids coming back to school in the near future,” ayon pa sa alkalde.
Kasabay nito, hinikayat ni Gatchalian ang mga guro at mga magulang ng mga mag-aaral na paghandaan ang muling pagbubukas ng eskuwelahan para sa regular class dahil tiyak na muling mapupuno ng mga learner ang bawat paaralan.