VACATION PAY NG MGA GURO MABABAWASAN SA AUGUST 23 CLASS OPENING — SOLON
MABABAWASAN pa ang Proportional Vacation Pay ng mga guro sa plano ng Department of Education na buksan ang School Year 2021-2022 sa Agosto 23.
Ito ang iginiit ni ACT Teachers Partylist Rep. France Castro kasabay ng pahayag na aabot na lamang sa anim na linggo ang bakasyon ng mga guro at mga estudyante mula sa dating dalawang buwan.
“Teachers are already forced to render 77 days of overtime work on the extended working school year this year. Our public school teachers will working for almost 13 months without an official summer break,” pahayag ni Castro.
“The DepEd has yet to provide solutions to the demands of teachers for their rightful leave benefits and overtime pay. Pushing for an August 23 class opening will further reduce the proportional vacation pay of teachers from 80 days-worth to only 59,” dagdag pa ng kongresista.
Kasabay nito, sinabi ng mambabatas na hanggang ngayon ay hinihintay nila ang malinaw na plano, aksiyon at mga polisya ng DepEd para sa ligtas na pagbubukas ng mga paaralan.
“So far, its actions mostly consist of adjusting the school calendar without addressing the problems of its distance blended learning program,” diin ni Castro.
“Ano na ang tugon sa overtime work ng mga guro dulot ng pinahabang school year? Ano ang mangyayari PVP sa pinaikling bakasyon kung itutuloy ang August 23 na pasukan? Ano na ang hakbang ng DepEd para mapangalagaan ang mga gurong nagkasakit ng Covid?” tanong pa ng lady solon.
Idinagdag ni Castro na dapat mabigyan ng makatarungang kompensasyon ang mga guro lalo’t ang dapat sanang break ay ginugol sa In-Service-Trainings o mga Learning Action Cell sessions at iba pang paperwork.
“Also, work-from-home arrangements for teachers do not follow the eight-hour workday rule. There is no actual academic ease for teachers due to the numerous paperwork and additional tasks that the modular approach requires from them,” paliwanag pa ni Castro.
“Hindi makina ang ating mga guro. Tinitiis na nga nila ang kawalan ng sick leave benefits, gumawa na siya ng sarili niyang paraan gamit ang napakaliit na suweldo para makaagapay sa mga pangangailangan ng blended distance learning, kinuhaan pa siya ng panahon na dapat para sa kanyang bakasyon at hindi binibigyan ng sapat na kabayaran para sa labis na trabaho na kanyang ginagampanan,” dagdag pa ng kongresista.