Nation

UST’S CASANOVA BAGONG TAGAPANGULO NG KWF

/ 7 December 2020

HINIRANG bilang bagong Tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino si Associate Professor Dr. Arthur P. Casanova ng Unibersidad ng Santo Tomas noong Disyembre 5.

Si Casanova, na nauna nang nanungkulan bilang Komisyoner sa Tagalog ng KWF noong Enero, ay isang full-time professor ng Departamento ng Filipino sa UST.

Siya’y nagtapos ng  Di-Gradwaring Digri sa Kemistri at Secondary Education major sa Filipino sa Mindanao State University (1982). Mayroon siyang Masteradong Digri sa Education major sa Lingguwistikang Filipino sa Philippine Normal University (1992). Siya rin ay nagtapos ng Doktoradong Digri sa Lingguwistika at Panitikan sa parehong pamantasan (1999).

Dahil sa angking husay, si Casanova ay minsan nang pinarangalan bilang Most Outstanding Teacher ng Metrobank Philippines.

Nakapaglimbag na rin siya ng higit 40 libro na pumapatungkol sa edukasyon, pedagohikal na praktika, lingguwistika, wika, panitikan, at iba pa, partikular sa larang ng teatro sapagkat bukod sa pagtuturo’y direktor din siya ng iba’t ibang pagtatanghal.

Pinalitan niya sa puwesto ang Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan na si Dr. Virgilio Almario, mula sa Unibersidad ng Pilipinas.