Nation

UST JOURN PROF UMALMA SA RED-TAGGING NG ‘PEKENG’ FACEBOOK PAGE

INALMAHAN ng isang University of Santo Tomas Journalism professor ang panre-redtag sa kaniya ng isang maanomalyang Facebook page nitong Lunes, Disyembre 28.

/ 1 January 2021

INALMAHAN ng isang University of Santo Tomas Journalism professor ang panre-redtag sa kaniya ng isang maanomalyang Facebook page nitong Lunes, Disyembre 28.

Ang tinutukoy ni Prof. Felipe Salvosa II ay ang ‘The Right Thomasian’, isang right-wing agency, na mayroong higit 6,000 page likes at followers.

Sa post ay pinahagingan ang itinago nila sa alyas na ‘Bulatlat Lord’ na umano’y nagre-recruit ng mga mag-aaral para sumama sa hanay ng New People’s Army.

“Expose na ba namin si Bulatlat former EIC and now AB Journalism faculty member? Itago natin siya sa alias Bulatlat Lord,” panimula ng The Right Thomasian.

“Clue ay may isa siyang muntik ma-recruit kung hind ipinadala ng magulang sa ibang bansa ‘yung anak dahil gusto na mag-CS pagka-graduate. Hindi counterstrike ang CS nila, kundi countryside. Ilang beses na raw muntik maglayas ng bahay,” kuwento sa post.

“Itago natin sa initials na MT ‘yung nan-recruit sa kaniya na outsider ng UST at ipinakilala ni Bulatlat Lord noong student pa niya si almost CS Thomasian. Pagkatapos ay nag-OJT si almost CS Thomasian sa Bulatlat; ang naging konek niya roon ay si outsider recruiter sa suggestion ni Bulatlat Lord. Lucky words kay outsider na recruiter ay Bench at ENDO. Lucky words kay Journ ay Pilipinas at Salbabida.”

Nag-comment pa ang Facebook Page administrator sa pagnanais na mas pangalanan si ‘Bulatlat Lord’.

“Ang alam lang namin, siya si ‘the second’ hokage,” diin nito sa nagtanong kung ang blind item ba’y naglabas ng pahayag kontra pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN.

Kung pagtatagniin ang mga paratang —  Pilipinas, Salbabida, The Second — ay ‘di malabong tumutukoy nga ito sa kasalukuyang tagapag-ugnay ng UST Journalism na si Salvosa.

Sa Twitter ay umalma ang naturang propesor.

“Whoever is running this page is spreading a malicious and unfounded accusation via a seemingly innocuous blind item. The author of the post however dropped a hint in the comments section, which was why I felt alluded to,” tweet ni Salvosa lakip ang screenshots bilang ebidensiya.

Ipinaliwanag niya isa-isa ang winika ng The Right Thomasian.

“First, I was never a part of the staff of Bulatlat.com (I was editor-in-chief of the Varsitarian, the official student paper of UST, not Bulatlat.com).”

“Second, I did not and will not recruit students for the communist rebellion.”

“Third, the statement of the ABS-CBN shutdown represented the personal and professional positions of the journalist faculty, which was shared by the student body.”

“Fourth, as a faculty member and journalism program head of UST, I am fully committed to the rules and regulations of the University, its vision and mission, its Catholic identity, and to the molding of committed, compassionate, and competent Thomasians.”

Kasunod nito ay hinamon niya ang The Right Thomasian na maglabas ng mga patunay at matapang na isiwalat ang sariling identidad.

Gayundin, sinabi niyang mayroon siyang karapatang protektahan ang sarili sa mata ng batas.

“The owners of this page show evidence that I recruit for the armed rebellion, not hide behind anonymity and blind items. I reserve my right to any legal recourse to protect my reputation,” dagdag ng propesor.

Nang mabasa’y sumahog sa isyu si University of the Philippines College of Mass Communication Professor Danilo Arao upang protektahan si Salvosa.

“Had the administrators of a red-tagging FB page done its homework, they would know that I am the ONLY ONE at @bulatlat who teaches journalism at UP Diliman and the Polytechnic University of the Phi. To red-tag a UST journalism professor is illogical even if this FB page claims to be pontifical.”