Nation

USLS STUDENT NA NAMBASTOS KAY VICE PRESIDENT ROBREDO INIIMBESTIGAHAN NA

INIIMBESTIGAHAN na ng University of Saint La Salle sa Bacolod ang isang 21-anyos nitong mag-aaral na nagkomento ng kahalayan tungkol kay Vice President Leni Robredo.

/ 2 December 2020

INIIMBESTIGAHAN na ng University of Saint La Salle sa Bacolod ang isang 21-anyos nitong mag-aaral na nagkomento ng kahalayan tungkol kay Vice President Leni Robredo.

Nag-trend sa Facebook ang komento ni Johnrey Apellido, isang BS Information Technology student ng USLS mula sa Talisay, Negros Occidental, matapos niyang banatan si Robredo ng mapanghamon at bastos na pahayag.

Sa komento ni Apellido na ipinaskil ng Facebook page na DDS Confessions, sinabi nito na dapat makipagtalik si Pangulong Duterte sa bise presidente dahil kulang ang huli sa dilig kaya ito nagiging bobo.

Ikinadismaya ito ng mga netizen sapagkat ang ugaling ipinamalas ni Apellido ay labag sa karapatang-pantao at hindi wastong asal ng isang Lasalyano.

Gayundin ang pananaw ng USLS. Ayon sa unibersidad, ang naturang pahayag ay ‘alarming’ at ‘upsetting’ kaya paiimbestigahan nila ito para managot ang may sala.

“The earlier FB post associated with Johnrey Apellido, a BSIT 1st year student, has been deemed both alarming and upsetting by so many including our alumni, partners, and friends of USLS. Needless to say, the University has policy guidelines in place upon which matters of such nature are addressed accordingly,” pahayag ng USLS Office of the Vice Chancellor for Academic Affairs.

“As such, the Office for Student Affairs, directly under the Office of the Vice Chancellor for Academic Affairs, is currently conducting a thorough investigation on the matter. While the investigation is ongoing at this time, the proper thing for the student to do is to make amends because although he has been saying that he did not make the comment, which was allegedly put together by another person, he is not entirely free or spared from the responsibility of having participated by making similar comments, which is not remote, as can be surmised from the kind of personal photos he puts up in his FB account,” sabi pa nito.

Napag-alaman na rin ng USLS, batay sa paunang imbestigasyon, na hindi ito ang unang beses na nagbitiw ng maanghang na salita laban sa bise presidente ang kanilang estudyante. Mayroon pa itong Facebook badge na nagsasabing siya ay isang Diehard Duterte Supporter.

Humingi naman din ng tawad sa Facebook si Apellido.

“I realized the value of being extra tactful and prudent in everything that I do and of safeguarding my social media account. I am a son to my mother and a brother to my sisters and I understand the Vice President could have felt when the post went viral and for that, I am deeply sorry,” pagsusumamo ng mag-aaral.

“I am hoping that I can still be afforded the presumption of innocence until proven guilty. Together with my family, I hope that this controversy will be cleared soon,” dagdag pa niya, bagaman dinumog pa rin ng mga netizen at sinabing ‘sinungaling’.

Nitong Linggo ay nag-tweet si Robredo hinggil sa insidente. Sinabi niya na hindi siya apektado. Hindi rin nababawasan ang kanyang pagkatao sapagkat ang mga ganitong pananalita’y nakasisira pa mismo ng pamilya at ng mga idolong pinanggalingan ng post.

“Hindi naman ako ang nabawasan. [Iyong nada-damage] ng mga ganitong [comment] ay [iyong] pamilya na pinanggalingan ng mga taong katulad nito, at ‘yung mga lider na iniidolo nila,” wika ng Pangalawang Pangulo.