Nation

US PROGRAM PARA SA MEDIA STUDIES BUKAS SA MGA PINOY

/ 1 May 2021

INIMBITAHAN ng Estados Unidos ang media industry sa iba’t ibang bahagi ng mundo na makibahagi sa selebrasyon ng World Press Freedom Day.

Kabilang sa mga inimbitahan ang mga Pinoy na maituturing na masigla sa larangan ng public information dissemination gamit ang apat na uri ng pagbabalita — pahayagan o print, radyo, telebisyon at social media.

Mismong ang secretariat ng EducationUSA Summit Media 2021 ang nagpadala ng imbitasyon sa academe at media outfits sa pamamagitan ng email.

Sa kanilang anunsiyo, bukas ang imbitasyon sa lahat ng  interesado na maging bahagi ng US Program para sa media studies o communication arts.

Para sa mga interesado, kailangang makilahok sa 3rd Annual Education USA Media Summit sa Lunes, Mayo 3, mula alas-9 hanggang alas-10:30 ng umaga.

Tatalakayin ng mga eksperto at U.S. admissions officers sa virtual event  ang kapakinabangan at pagpapaunlad ng kaalaman bilang media practitioner.

Upang maaprubahan at makasama sa participation list, mag-email lamang sa [email protected].