UP MARAMOT SA LEARNING MATERIALS – SEN. IMEE MARCOS
BINANATAN ni Senador Imee Marcos ang University of the Philippines makaraang makatanggap ng impormasyon na ipinagdaramot umano ng nasabing pamantasan ang kanilang mga online learning material sa ibang unibersidad at kolehiyo.
BINANATAN ni Senador Imee Marcos ang University of the Philippines makaraang makatanggap ng impormasyon na ipinagdaramot umano ng nasabing pamantasan ang kanilang mga online learning material sa ibang unibersidad at kolehiyo.
“Ang damot daw ng UP sa materyales, hirap na hirap ang mga probinsyano maka-access where in fact sa Open Distance Learning Act ay mandated sila na tulungan ang higher educational institutions,” pahayag ng senadora.
Kaugnay nito, inirekomenda ni Marcos kay Commission on Higher Education Chairman Popoy de Vera na bumalangkas ng pamamaraan upang matiyak na mga de-kalidad na learning materials ang gagamitin ng lahat ng unibersidad at kolehiyo sa kanilang distance learning.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Higher, Technical and Vocational Education hinggil sa distance learning, sinabi ni Marcos na napansin nilang maraming learning materials ang mababa ang standard.
Sa ganitong paraan, sinabi ni Marcos na matitiyak na kahit ang maliliit na unibersidad at kolehiyo ay magbibigay ng de-kalidad na edukasyon.
“Ang takot natin maging online diploma mill ‘yan, kasi ito nga very good excuse kasi bigay na lang nang bigay ng diploma at may automatic promotion pero ‘di natin nache-check,” pahayag pa ni Marcos.
Bilang tugon, nangako si de Vera na oobligahin ang UP na ibahagi ang kanilang mga educational materials para sa online learning subalit binigyang-diin nitong mas maraming malalaking pribadong unibersidad ang nagbibigay ng kanilang mga materyales.
“Meron pong private universities na mas magagaling pa na willing mag-share… like Mapua, De La Salle,” tugon ni de Vera.
“I’m very familiar with Mapua Computer Engineering that they are very generous lalo na La Salle. Ang UP pakisabi naman na hindi ito time na maging madamot o talagang ipagkait sa maliliit na eskwelahan ang mga materyales,” isinagot naman ng senadora.
“Kung may bayanihan sa Covid19, dapat meron ding bayanihan sa distance learning at dapat pilitin ang UP. Ang laki-laki naman ng budget nila na nakukuha sa gobyerno, dapat public property na rin ang kanilang online materials,” paggigiit pa ng senadora.