UP COLLEGE OF MEDICINE SUPORTADO ANG PAGBABAKUNA VS COVID19
NAGBIGAY na ng pormal na pahayag ang University of the Philippines College of Medicine kaugnay sa pagbabakuna laban sa Covid19.
Sa isang statement, sinabi ng Department of Pharmacology and Toxilogy ng UPCM na sinusuportahan ng kanilang faculty af staff ang anumang hakbang ng pamahalaan sa paglaban sa Covid19 pandemic kasama na ang evidence-based na pamamaraan sa pagbabakuna.
Nakasaad sa statement na batay sa kanilang pagsusuri sa ebidensiya, ang mga benepisyo ng pagpapabakuna laban sa Covid19 ay mas malaki kaysa sa mga panganib.
Kaya naman kanilang hinihikayat ang lahat ng mga Pilipino na magpabakuna na.
“Based on our evaluation of the evidence, the benefits of vaccination far outweigh the risks. We encourage all Filipinos to get vaccinated,” bahagi ng pahayag ng UPCM.
Gayunman, sakaling may pagdududa lalo na sa mga espesyal na kaso o may comorbidities ay nararapat na kumonsulta muna sa kanilang dalubhasa at talakayin ang karamdaman bago magbakuna.
Sa ngayon, kumbinsido ang UPCM na batay sa kanilang nakalap na ebidensiya ay tanging vaccination lamang ang maaaring makakontrol sa Covid19.