UNVAXXED TEACHERS PUWEDE NA SA F2F CLASSES
PINAPAYAGAN na ng Department of Education ang mga gurong hindi bakunado laban sa Covid19 na magsagawa ng face-to-face classes sa datating na pasukansa Agosto 22.
PINAPAYAGAN na ng Department of Education ang mga gurong hindi bakunado laban sa Covid19 na magsagawa ng face-to-face classes sa datating na pasukansa Agosto 22.
“Ang bago natin na polisiya ay papayagan na silang mag-report at magturo na rin provided na they will still follow the minimum public heath protocols at ‘yung schools na kanilang pagtuturuan ay maayos ang ventilation,” wika ni DepEd Undersecretary Revsee Escovedo sa isang press conference Lunes ng umaga.
“So, wala na po tayong tinatawag na kailangan bakunado o kaya hindi pahihintulutan ang mga hindi bakunado. Sa ngayon, lahat ng teachers ay magre-report na sa kanilang mga silid-paaralan,” dagdag pa ni Escovedo.
Ayon sa tala ng kagawaran, nasa 37,000 na lamang sa mga guro ang hindi pa nababakunahan, at sa bilang na iito, nasa 20,000 ang nakapagpatala na magpapabakuna sila.
Subalit sinabi ni Escovedo na hindi pinapayagan ang mga guro na pumasok sa eskwelahan kung sila ay may sintomas ng nasabing sakit.
“Ang magiging polisiya po kung sila ay may flu-like symptoms o hindi maganda ang kanilang karamdaman, sila ay ini-encourage na mag-stay na lang muna sa kanilang bahay at magpa-test,” ani Escovedo.
“Kung sila ay nasa bahay sila ay considered na leave o excused sila with pay,” paliwanag pa ng opisyal.
Samantala, magsasagawa naman ng vaccination counselling ang kagawaran para mahikayat ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak.
“In fact, nakikipag-ugnayan na kami sa Department of Health na magkakaroon kami ng joint memorandum circular sa ating mga eskwelahan na patuloy po tayong magkakaroon ng mga counselling sa mga parents na makumbinsi natin sila na mapabakunahan ang kanilang mga anak at sila na rin bilang mga magulang kung hindi pa sila bakunado,” ani DepEd Undersecretary Epimaco Densing III.
“At kung makakuha tayo ng maayos na numero ng mga batang magpapabakuna doon po tayo maglalagay ng tinatawag natin na vaccination sites,” dagdag pa niya.