UNIVERSITY OF ABRA IPINOPORMA, MODERNISASYON ISINUSULONG
ITINUTULAK ni Senadora Imee Marcos na gawin nang University of Abra ang Abra State Institute of Sciences and Technology na matatagpuan sa mga bayan ng Langangilang at Bangued.
Sa kanyang Senate Bill 1733, sinabi ni Marcos na panahon na para pagkalooban ng modernong educational facilities at iangat pa ang kalidad ng edukasyon sa Abra State Institute of Sciences and Technology.
“The ASIST currently offers undergraduate degree, graduate degree, non-degree and basic education programs. They provide education to more than 4,000 students per academic year,” pahayag ni Marcos sa kanyang explanatory note.
Nakasaad sa panukala ng senadora na magbibigay ang unibersidad ng scholarship program para sa mahihirap subalit deserving students at binigyang-diin na walang estudyante ang tatanggihan na mag-enroll dahil sa gender, religion, cultural o community affiliation o ethnic origin.
Alinsunod din sa panukala ang pagbuo ng five-year development plan, kabilang na ang kinakailangang budget na isusumite sa Commission on Higher Education.
Ipinaalala ni Marcos sa kanyang panukala na nakasaad sa Konstitusyon na mandato ng estado na protektahan ang karapatan ng lahat ng mamamayan para sa dekalidad na edukasyon sa lahat ng antas at gawing accessible ang pag-aaral para sa lahat.
“The Constitution further mandates that the State shall establish, maintain and support a complete, adequate, and integrated system of education relevant to the needs of the people and society,” dagdag pa ng senadora.