‘UNDERPERFORMING’ TEACHER EDUCATION INSTITUTIONS ISARA, GIIT NG DATING DEPED USEC
INIREKOMENDA ng isang dating opisyal ng Department of Education ang pagpapasara sa mga 'underperforming' Teacher Education Institution sa dahilang kinukuha lamang umano ng mga ito ang pera ng mga mag-aaral.
INIREKOMENDA ng isang dating opisyal ng Department of Education ang pagpapasara sa mga ‘underperforming’ Teacher Education Institution sa dahilang kinukuha lamang umano ng mga ito ang pera ng mga mag-aaral.
Ginawa ni dating DepEd Undersecretary Juan Miguel Luz ang rekomendasyon sa gitna ng pagtalakay ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture sa performance ng mga guro sa bansa.
Sinabi ni Luz na dapat na ipasara na ang mga TEI na halos 10 porsiyento lamang ng mga graduate ang pumapasa sa Licensure Examinations for Teachers.
“They should not be allowed to keep operating because they’re just taking money from students and not providing the kind of service that they need,” pahayag ni Luz na ngayon ay chief executive officer ng schools management company Quality Education Design.
Sa gitna na rin ito ng datos ng Philippine Business for Education na sa 1,572 TEIs sa bansa ay 74 lamang ang accredited bilang center of excellence at center of development.
Kasabay nito, hinimok ni Luz ang Professional Regulatory Commission na magpatupad ng reporma sa sistema ng kanilang pagbibigay ng pagsusulit at ipinakokonsidera kung maaaring ilabas ang mga tanong sa LET matapos ang bawat pagsusulit upang maisalang din ito sa review.
“PRC should really release the questions after the exam so that they can be evaluated and studied by independent evaluators,” diin ni Luz.
Atubili naman ang PRC sa panukala ni Luz kasabay ng pagsasabing patuloy ang kanilang mga improvement sa bawat eksaminasyon upang matiyak ang kalidad ng mga guro.