Nation

TUITION HIKE SA SUCs NAGBABADYA

ILANG state universities and colleges (SUCs) ang nag-abiso ng posibleng pagtataas sa matrikula ngayong taon, ayon sa Commission on Higher Education.

/ 13 May 2023

ILANG state universities and colleges (SUCs) ang nag-abiso ng posibleng pagtataas sa matrikula ngayong taon, ayon sa Commission on Higher Education.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Higher, Technical and Vocational Education, sinabi ni CHED chairman Prospero de Vera III na kasunod ito ng pagtatapos ng five-year moratorium sa tuition increase sa SUCs.

“The moratorium for the SUCs and LUCs not to increase their tuition already lapsed in 2022 so the SUCs now, many of the SUCs have already passed board resolution to increase their tuition rates,” sabi ni De Vera.

Ayon sa CHED, kailangan pa nilang makipag-ugnayan sa Department of Budget and Management (DBM) para maisama ang tuition adjustments sa national budget.

“We referred it to DBM because we cannot act on it,” aniya.

Sa kasagsagan ng pandemya, sinabi ng CHED na marami sa mga dating nag-aaral sa private schools ang lumipat sa SUCs at LUCs.

Binigyang-diin ng CHED chief na ang isang problema ay noong 2022 at 2023, may mga eskuwelahan na tumatanggap ng mga estudyante kahit walang sapat na budget.