Nation

TRIPARTITE AGREEMENT SA SHS VOUCHER PROGRAM PINABUBUO

/ 19 March 2023

NANAWAGAN ang isang education policy advocate para sa isang tripartite agreement sa pagitan ng Department of Education, mga lokal na pamahalaan at mga pribadong paaralan kaugnay sa sistema ng voucher program para sa senior high school students.

Ayon kay Dr. Victor Limlingan, tagapangulo ng public policy advisory firm na Cristina Research Foundation, Inc., kulang ang mga subsidiya na ibinibigay ng gobyerno sa mga senior high school student.

Ang voucher program, na nagpapahintulot sa paglipat ng mga mag-aaral sa senior high school sa mga pribadong paaralan, ay naglalayong makatulong sa pag-decongest sa mga pampublikong sekondaryang eskuwelahan.

“I proposed a tripartite partnership consisting of the Department of Education, the league of mayors and the COCOPEA because this is very timely because the next school year is coming in August,” ani Limlingan.

“If we don’t do anything, there will be again overcrowding.”

“Now, there’s an urgency to come out with this tripartite agreement… We still have time but we have to act fast,” dagdag pa niya.

Ginawa ni Limlingan ang pahayag kasunod ng desisyon ng pamahalaang lungsod ng Antipolo sa pagpapatupad ng programa.

Aniya, sasagutin ng lokal na pamahalaan, DepEd at mga pribadong paaralan ang buong tuition ng mga estudyante sa Antipolo.

Sa ilalim ng Senior High School Voucher Program, ang mga mag-aaral ay bibigyan ng subsidiya mula P8,750 hanggang P22,500, depende sa rehiyon at lugar ng mga eskuwelahan.