TRAINING CENTERS PA MORE SA MGA LALAWIGAN LUSOT NA SA KOMITE NG KAMARA
MAGKAKASUNOD na inaprubahan ng House Committee on Higher and Technical Education ang anim na panukala na nagsusulong ng pagtatayo ng training and assessment center ng Technical Education and Skills Development Authority sa iba’t ibang lalawigan.
Sa pagdinig ng komite na pinangunahan ni Baguio City Rep. Mark Go, hindi nagpahayag ng pagtutol ang TESDA sa mga panukala.
Kabilang sa inaprubahan ang House Bill 7342 para sa pagtatayo ng training center sa Zamboanga del Sur; House Bill 7354 sa lalawigan ng Guimaras; House Bill 7437 sa Ligao City sa Albay; House Bill 7472 sa Basilisa sa Dinagat Island; House Bill 7505 sa Daet sa Camarines Norte at House Bill 7526 sa Nabua, Camarines Sur.
Layon ng mga panukala na mas maraming estudyante at local residents mula sa low income families, out of school youth, gayundin ang persons with disabilities at indigenous peoples ang mabigyan ng oportunidad na sumalang sa mga programa ng TESDA.
Iginiit ng mga mambabatas sa pagdinig na dahil sa patuloy na pagtaas ng unemployment rate dahil sa krisis dulot ng Covid19, hindi na rin maituturing na special case ang mismatch sa employment position at educational background.
“The relevant programs and skills trade competencies, craftmanship and entreprenuership activities will certainly become an effective employment interventions,” pahayag pa ng mga kongresista sa kanilang mga panukala.
Nakasaad din sa magkakahiwalay na panukala ang pagtatayo ng research and technology hubs, technology development farms, satellite o extension training centers at traning programs upang palakasin ang koneksiyon ng industry partners, academe at ng TESDA Center.