Nation

TRAINING CENTER PARA SA INDIGENOUS PEOPLE IPINATATAYO SA ILOCOS SUR

/ 20 May 2021

ISINUSULONG ni Senadora Imee Marcos ang pagtatayo ng Indigenous Training Center sa Magsingal, Ilocos Sur.

Sa kanyang Senate Bill 2195, iginiit ni Marcos na kailangan ng isang training center para maging ‘avenue of learning’ at matiyak ang pagpapanatili ng indigenous arts, crafts at culture.

Ipinaalala ng senadora na alinsunod sa Konstitusyon, mandato ng estado na kilalanin ang karapatan ng indigenous cultural communities para sa national unity and development.

Batay sa pag-aaral ng International Work Group for Indigenous Affairs, nasa 10 hanggang 20 porsiyento ng populasyon ng bansa ang kabilang sa indigenous population.

“According to the World Directory of Minorities and Indigenous Peoples, there is a great variety of social organization and cultural expression among indigenous communities. Some specialize in wood-carving, basket-making and weaving. Others are known for their embroidery, applique and bead-making,” pahayag ni Marcos sa kanyang explanatory note.

“It is but fitting for the government to provide a mechanism for these communities to foster knowledge advancement, skills training, and economic development,” dagdag pa ni Marcos.

Batay sa ulat, ang inisyal na pondo na gagamitin sa pagtatayo ng training center ay mula sa appropriations para sa National Commission on Indigenous Peoples.