TOOTH DECAY, LICE INFESTATION PROBLEMA NG ELEMENTARY STUDENTS — DEPED
TOOTH decay at lice infestation ang pangunahing problema ng mga mag-aaral sa elementarya pagdating sa kanilang kalusugan, ayon sa Department of Education.
Sa datos, nasa 80.1 porsiyento ang mga nakararanas ng tooth decay, 32.2 porsiyento sa lice infestation at 28 porsiyento ang nakararanas ng sipon.
Ayon kay DepEd spokesperson Michael Poa, mag-a-update ang DepEd ng listahan dahil maraming mga mag-aaral ang hindi dumalo sa in-person classes sa nakalipas na dalawang taon dahil sa pandemya ng Covid19.
Binigyang-diin ni Poa na prayoridad ng DepEd ang mental health ng mga estudyante.
“That is also why when we opened our schools last Aug. 22, sinigurado natin na meron tayong mga psychosocial activities na ginawa para makita kung talagang handa ang ating learners sa pagbabalik ng schools,” ayon kay Poa.
Sinabi ni Poa na ang kamakailang inilunsad na Oplan Kalusugan ng DepEd at Department of Health ay tutugunan din ang mental health, kung saan ang taunang assessment ay maaaring gawin sa mga paaralan upang suriin ang kalagayan ng mental health ng mga mag-aaral.