‘TINGLE’ ANTHOLOGY OF PINAY LESBIAN WRITING LALABAS NA SA HUNYO
INANUNSIYO ni Jhoanna Lynn Cruz, manunulat at propesor mula sa Unibersidad ng Pilipinas, na sa Hunyo na lalabas ang pinakabago niyang antolohiya para sa mga Pinay lesbian.
“Excited to announce today, #IDAHOT, the International Day Against Homophobia, Transphobia, and Biphobia, that our Tingle Anthology of Pinay Lesbian Writing is finally coming out in June from Anvil Publishing!,” anunsiyo ni Cruz sa Facebook.
Pinamagatang “Tingle Anthology of Pinay Lesbian Writing,” layon ng akdang lumahok sa malawakang usaping pangkasarian, bitbit ang kuwento ng mga lesbiyanang Filipino.
Nasa 45 na mga istorya ang tampok sa bagong akda na sumasagot sa tanong na “What makes you tingle as a lesbian?”
“Literally, the sensation of ‘slight prickles, stings, or tremors’, the excitement,” paliwanag ni Cruz sa pabalat.
“I purposely didn’t give any more qualifiers to that prompt. I wanted the writers themselves to define the terms and enact them on the page.
“And while the word ‘tingle’ is a homonym for the Tagalog word for ‘clitoris’, many of the pieces submitted were not about sex at all. But all the pieces are about a spark of recognition, whether at the beginning, the middle, or the end, that one loves a woman as a woman.
“Tingle is the flint,” pagbubulay pa ng awtor.
Ang mga manunulat na sina J Neil Garcia at Tricia O’Bannon ang sumulat ng blurb.
Ayon kay Garcia, “Long have we waited for this, a robust and well-curated compendium of Philippine lesbian writing that at once represents and evokes, describes and inscribes, defines and complicated the lived truths and experiences of Filipino women-loving-women…”
Si Garcia ang isa sa mga kilalang manunula, kritik, at editor ng seryeng Ladlad.
Ang Anvil Publishing ang mag-iimprenta ng Tingle at inaasahang sa mga susunod na araw ay bubuksan na rin ang preorder forms.