Nation

TIKTOK CHALLENGE SA CALOOCAN TEACHERS

/ 22 August 2021

BILANG paghahanda sa World Teachers’ Day sa Oktubre, inanyayahan ni Caloocan City Councilor Vinze Hernandez ang mga guro sa District 1 ng lungsod na bumida sa TikTok Challenge.

Ang TikTok Challenge na may temang ‘Lodi kong Dancer sina Mam at Sir’ ay bilang pagpapahalaga ng konsehal sa mga guro ngayong Covid19 pandemic at sa pagdiriwang ng World Teachers’ Day.

Sinabi ni Hernandez na mahalagang maipadama rin sa mga guro ang pasasalamat at pagkilala sa lahat ng kanilang mga ginagawa.

“Ang ating mga guro sa ngayon ay hindi lamang nagsisilbing pangalawang magulang ng mga estudyante bagkus sila ay kabilang sa ating mga bagong bayani ngayong panahon ng pandemya,” sabi ng konsehal.

Ang TikTok Challenge ay limitado lamang sa mga guro sa District 1 ng Caloocan City.

Magsisimula ang pagtanggap ng TikTok entry sa Agosto 25 at tatagal hanggang Setyembre 10. Ang mananalo ay iaanunsiyo kasabay ng pagdiriwang ng World Teachers’ Day sa Oktubre.

Ang grand winner ay tatanggap ng P30,000 habang ang 1st runner-up ay P20,000 at 2nd runner-up, P10,000. May surprise prizes naman sa iba pang lalahok.