Nation

TESDA TRAINING PROGRAMS PINAREREBISA NG SOLON

/ 19 September 2020

ISINUSULONG ni Ang Probinsiyano Partylist Rep. Alfred delos Santos ang pagrebisa at pag-update sa mga training program na iniaalok ng Technical Education and Skills Development Authority.

Sa paghahain ng House Bill 7661 o ang proposed TESDA Skills Traning Act of 2020, iginiiit ni Delos Santos na dapat regular na nirerebyu ang curriculum ng ahensiya upang matiyak na nakasusunod pa rin ito sa international competitiveness.

“Education has always been a country’s greatest investment for its populace. When a nation has a well-educated and competent citizenry, it reaches greater heights as a collective,” paalala ni Delos Santos sa kanyang explanatory note.

Binigyang-diin ng kongresista na dahil dito, binibigyang halaga sa Konstitusyon ang edukasyon at training.

“We yearn for a globally competitive populace, and long for a new image for Filipinos, one that embodies excellence and strong work ethic. It is then necessary for our technical education and skills development programs to reflect the same,” pahayag pa ni Delos Santos.

Kasama sa iginigiit na isalang sa review at update ang Training for Work Scholarship Program, Special Training for Employment Program at Technical and Vocational Education and Training.

Batay sa panukala, bibigyan ng oportunidad ang pribadong sektor na makipagtulungan sa TESDA para sa pagbalangkas ng mga programa,  gayundin ang non-governmental organizations, civic organizations, academe at people’s organizations.