TESDA SCHOLARSHIP SA 35 PDLs SA SAMAR
TATLUMPU’T limang persons deprived of liberty ang nakatanggap ng iskolarsyip at training allowance mula sa Technical Education and Skills Development Authority-Samar.
Ang 35 PDLs ay mula sa Laoang Sub-Provincial Jail sa Laoang, Samar na kabilang sa unang bugso ng benepisyaryo ng TESDA Training for Work Scholarship Program- Special Skills Training Program.
Layon ng programa na matulungan ang mga PDL na magkaroon ng pagkakaabalahan habang nasa loob ng kulungan at maturuan din silang makapagsimula ng negosyo’t makapaghanapbuhay sa oras na sila’y makalaya na.
“This is in response to the mandate of TESDA of expanding its services to various communities, train the people and the communities for them to acquire skills and be productive citizens,” wika ni TESDA Officer-in-Charge Asuncion Sumoray.
Bread and Pastry Production, Horticultural Crop Work, at Support Horticultural Nursery Work ang mga kursong kanilang tinapos sa tulong ng Las Navas Agro Industrial School, sa pamumuno ni Jonel Jolejole, Laoang Sub-Provincial Jail, at ng Bureau of Jail Management and Penology.
Labis ang pasasalamat ng mga PDL sa programang ito na nagbibigay sa kanila ng pag-asang ang bukas ay mas masagana’t puno ng pagpapala para sa kanila at sa pamilyang naiwan sa tahanan.
Punong-abala ng SSTP sa Samar si TESDA LNAIS Vocational School Administrator Yolanda Pajenado na naghahatid ng dekalibreng serbisyo’t pagtuturo sa mga kulungan sa lalawigan.