Nation

TESDA PINADODOBLE KAYOD PARA PATAASIN ANG ENROLLMENT RATE

/ 29 September 2020

HINIMOK ni Senador Joel Villanueva ang Technical Education and Skills Development Authority na palawakin pa ang partisipasyon ng pribadong sektor sa kanilang mga training program para mapataas ang kanilang enrollment ngayong taon.

Ito ay makaraang aminin ni TESDA Director General Isidro Lapeña na hanggang noong Agosto ay nasa 12,393 pa lamang ang kanilang Technical Vocational Education and Training scholars o katumbas ng 5 porsiyento ng kanilang 349,000 target.

“I’m sure we want to maximize our TESDA training institutions. However, it is a fact that overwhelmingly, ang laki pa rin ng private sector and it is important that we partner with them,” pahayag ng chairman ng Senate committee on higher, technical and vocational education.

Ipinaliwanag ni Lapeña na 76 percent ng kanilang TVET ay mula sa mga private technical and vocational institutions habang 24 percent sa TESDA training institutions .

Sinabi ni Villanueva, dating director general ng TESDA, na maraming pribadong TVI ang nais na magkaroon ng ‘genuine public-private partnership’ kung palalawakin lamang ng ahensiya.

“I’m getting a lot of letters from private TVIs from various provinces and I’m concerned that TESDA has not been maximizing its partnership with them. ‘Yong scholars po natin ang nalalagay sa alanganin kapag hindi natin ito agad mabigyan ng solusyon. Sana po mapag-usapan ninyo ang mungkahing ito upang makapagtulungan kayo na maiabot sa ating mga scholars ang training na inaasahan nila, lalo na po ngayong may pandemya at marami ang nawalan ng kabuhayan,” sabi pa ni Villanueva.

Pinayuhan din ng senador ang TESDA na bumalangkas ng mga istratehiya  para sa disbursement ng kanilang pondo lalo pa’t magkakaroon pa ito ng dagdag na P1 bilyon mula sa Bayanihan to Recover as One Law.

“Gusto naming malaman ang strategy for Bayanihan 2 which provides additional funding for the training for work scholarship program and the special training for employment program because I think we are also running out of time dito sa pondo na ito,” dagdag pa ng senador.