Nation

TESDA MAY 200K SLOTS PA PARA SA SCHOLARSHIP

/ 20 October 2021

MAHIGIT 200,000 slots pa para sa scholarships ang hindi pa nagagamit sa ilalim ng pondo ng Technical Education and Skills Development Authority ngayong taon.

Sa pagdinig sa Senado sa proposed 2022 TESDA budget, sa inaprubahang 368,874 slots para sa scholarships, 158.966 lang ang enrolled, na nangangahulugan na mayroon pang natitirang 209,908 slots.

“As of September 30, ang na-utilize lang is 32.3 percent of the target learners, and I’m only talking about enrolled… You only have three months left from October to December to utilize it,” pahayag ni Senador Joel Villanueva.

Una nang tinarget ng TESDA na magkaloob ng 492,885 scholarship slots sa qualified students o applicants ngayong taon.

Binigyang-diin ni TESDA Directos General Isidro Lapeña na ang mababang utilization ng scholarship slots ay dahil sa restrictions bunsod ng Covid19 pandemic.

“The figure is like that because of the community quarantine restrictions but with the relaxation of the community quarantine, then we can speed this up,” pahayag ni Lapeña.

“In fact, we are rescheduling enrollment and graduation at the same time, because many are waiting for this… but we can do it for the last three months,” pagtiyak pa ng opisyal.